- All
- Pinnacle Sports Betting
- PBA News 2024
- All PBA Results
- Mga 2023 PBA Basketball
- Boxing Mga Prediksyon
- Sport na Online Sabong
- Mga 2023 FIBA World Cup Qualifiers
- Mga Football Player Information
- Mga gabay sa Sports Betting Online
- Mga Betting Terms Wikipedia
- Mga 2022 PBA Basketball
- FIFA World Cup Sa 2022
- NBA News 2024
Balita sa Boksing: Deontay Wilder nagpasabog sa WBC Heavyweight sa loob ng10 Taon
Inihandog ng Balita sa Boksing sa Pilipinas si Deontay Wilder, na may palayaw na "The Bronze Bomber", isang Amerikanong propesyunal na boksingero. 2015-2020 WBC heavyweight na kampeon, matagumpay na nakadepensa ng 10 beses. Nakamit din ni Wilder ang tagumpay ng pagiging unang maraming beses na dumidepensang Amerikanong kampeon sa mundo simula 2007 at kasalukuyang nakaranggo sa numero 2 ng The Ring. Ayon sa mga ranggo sa mundo ng BoxRec,ESPN, at ang Transnational Boxing Ranking Council, si Wilder ay nakaranggo sa Numero 3 sa mundo.
Maagang buhay ni Deontay Wilder
Si Deontay Wilder ay ipinanganak noong Oktubre 22,1985, sa Tuscaloosa, Alabama. Ang kanyang etnisidad ay African-American. Sya ay natapos sa Tuscaloosa Central High School noong 2004 at nagkaroon ng pangarap na maglaro sa propesyunal na basketbol o footbol. Gayunpaman, siya ay nag asawa ng maaga at kinailangan na magtrabaho ng mabuti para suportahan ang kanyang pamilya, lalo na pagkatapos na ipanganak ang kanyang anak na babae na may abnormalidad sa spinal. Isinuko niya ang kanyang akademikong layunin at nagtrabaho bilang isang drayber para sa Greene Beverage na kumpanya. Nang maglaon, pinili nyang na magpatuloy da kanyang karera sa boksing para suportahan ang kanyang pamilya. Noong Oktubre 2005, si Wilder ay nag umpisa sa kanyang baguhang boksing na karera sa Skyy Boksing Gym sa Northport, Alabama. Siya ay lumahok sa 2007 National Golden Gloves na paligsahan at nagtamo ng isang career-best sa pamamagitan ng pagtalo kay Rakhim Chakhiyev ng Russia noong 2008.
Ang propesyunal na karera ni Deontay Wilder
Si Deontay Wilder ay nag simula sa kanyang propesyunal na karera sa boksing noong 2008 sa edad na 23. Siya ay mabilis na itinatag ang kanyang sarili bilang isang puwersa na dapat isaalang alang, na nanalo sa lahat ng pitong laban niya noong 2009 sa pamamagitan ng knockout sa unang round. Pagsapit ng 2012, siya ay nagkaroon ng 25 na sunod sunod na panalong laban, lahat ay sa pamamagitan ng knockouts sa loob ng unang apat na rounds.
Noong 2012, si Wilder ay nanalo sa kanyang maiden na titulo sa isang laban kontra kay Kelvin Price na may suntok sa panga. Nilabanan rin nya at natalo kay Audley Harrison sa unang round sa UK. Gayunpaman, ang laban kay Derek Chisora ay nabigo ng si Wilder ay naaresto dahil sa pang aabuso sa tahanan.
Si Wilder ay nagpatuloy na manalo sa mga laban, kabilang na ang knockout ni Siarhei Liakhovich,na kinalaunan insakusahan siya sa ilegal na pag suntok. Ang tagumpay ni Wilder laban kay Malik Scott ay nakakuha sa kanyang ng isang mandatorynag hamon sa posisyon para sa WBC Heavyweight na titulo na hawak ni Bemane Stiverne.
Si Wilder ay nanalo sa WBC World Championship noong 2015. Matapos manalo ng titulo, siya ay naging unang Amerikanong heavyweight na kaperon mula kay Hasim Rahman. Inialay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang idolo sa boksing na si Muhammad Ali at sa kanyang anak na babae. Si Wilder ay kumita ng napakalaking $1 milyon mula sa kanyang laban. Pagkatapos ng laban, inalis nya ang golden boys bilang kanyang tagapamahala at at kinuha si Al Haymon bilang kanyang bagong tagapamahala.
Si Deontay Wilder ay dinipensahan ang kanyang titulo laban kay Eric Monila at Johann Duhaupas, na nakakuha ng $1.4 na milyon at $1.5 na milyon, ayon sa pagkakabanggit. Natalo rin niya sina Artur Szpilka at Chris Arreola, na ang huli ay wala rin sa ranking dahil nag positibo sa dope test. Siya ay umubos ng marijuana at dahil dito, siya ay nag positibo sa test.
Noong 2018, si Wilder ay lumaban kay Tyson Fury sa isang inaabangang laban, kung saan siya ay natalo. Si Wilder ay kumita ng $14 milyon mula sa laban, habang si Fury ay kumita ng $10 na milyon.
Ang rekord ni Deontay Wilder
Deontay Wilder Record | |
Kabuuang laban sa boksing | 45 |
Nanalo sa pamamagitan ng TKO/KO | 41 |
Nanalo sa pamamagitan ng Decisions | 1 |
Pagkatalo | 2 |
Draws | 1 |
Mga t | 1 |
Mga titulong dinepensahan | 10 |
Mga istats ni Deontay Wilder
Deontay Wilder Stats | |
Taas | 6 Feet 7 Inches (201cm) |
TImbang | 96 Kg (212 pounds) |
Abot | 83 inches |
Tindig | Orthodox |
Katawan | Muscular |
Frame | Tall Body Frame |
Tattoos | Oo |
Kulay ng buhok | itim |
Kulay ng mata | itim |
Ang paninidigan sa pakikipaglaban at kakayahan ni Deontay Wilder
Ang istilo sa boksing ni Deontay Wilder ay madalas na napagkakamalan bilang isang taong basagulero dahil sa kanyang kahanga hangang knockout na mga rekord.Gayunpaman, sa totoo lang siya ay gumagamit ng mga elemento ng isang matalinong sharp-shooting boxer-puncher na istilo. Bagama't umaasa siya ng husto sa kanyang kapangyarihan, ang kanyang kawalan ng teknikal na abilidad ay nangangahulugan na sya ay mayaroong slugger na istilo sa boksing.
Ginagamit ni Wilder ang kanyang nangungunang kamay, lalo na ang kanyang jab at kaliwang kawit, para maabala o panatilihing abala ang kanyang kalaban at para maitakda ang kanyang kapangyarihan sa pagsuntok. Ginagamit rin nita ang kanyang nangungunang kamay para makagawa ng distansya sa pagitan niya at ng kanyang kalaban o sa pagdedepensa para mapanatili ang kanyang kalaban na malayo sa kanya. Ginagamit rin ni Wilder ang kanyang banayad na pagkukunwari upang mapanatili ang kanyang mga kalaban na manghula bago siya magpakawala ng suntok.
Isa sa pinaka underrated na katangian ni Wilder ay ang kanyang kakayahan na masira ang bantay ng kanyang mga kalaban. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paghila palayo sa bantay ng naghahamon na bantay, na hindi nag iiwan ng oras para sa kanyang kalaban na makaangkop sa halos mga kaso, na nagiiwan sa kanila sa canvas.
Inuuna ni Wilder ang kapangyarihan sa lahat ng bagay, lalo na para sa kanyang kanang-kamay na cross. Inilalagay niya ang kanyang buong katawan sa kanyang mga suntok, na nagreresulta ng kakulangan sa tamang pamamaraan o istraktura sa katawan. Gayunpaman, ang enerhiya na nagagawa niya kapag inihahagis ang mga suntok na ito ay nakakawasak. Ginagamit ni Wilder ang kanyang galaw ng paa para mabuo ang lakas na iyon at maaari ring maging malamya minsan, ngunit ang kanyang mga kalaban parin ay kinatatakutan ang kanyang kapangyarihan.
Ang depensa ay isang lugar na underrated si Wilder. Hindi siya gaanong nagdudulot ng pinsala sa kanyang mga laban at ginagamit ang kanyang pawing jab, paikot-ikot, at gumagalaw sa paligid ng ring halos sa likod ng kanyang paa para makagawa ng distansya at gawin itong mahirap sa kanyang mga kalaban na makalapit sa kanya. Ginagawa nito sa kanyang mga kalaban na maingat at hindi gaanong nakatuon sa paglapit, na nagbibigay daan kay Wilder na makapag takda ng counter shot na nakakagulat sa kanila.
Ang Personal na Buhay ni Deontay Wilder
Si Deontay Wilder ay ikinasal ng dalawang beses at mayroong kabuuang apat na anak.
Siya ay nagkaroon ng kanyang unang anak, isang anak na babae na pinangalanang Naieya noong siya ay 19 taong gulang lamang. Si Naeiya ay ipinanganak na mayroong spina bifida, isang kondisyon na nagdudulot ng deformidad sa likod. Upang mabayaran ang pag papagaamot ng kanyang anak, kinuha ni Wilder ang boksing.
Kinalaunan ay pinakasalan niya si Jessica Scales at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalake at isang anak na babae, ngunit sa huli sila ay naghiwalay. Si Wilder ay engaged na kay Telli Swift noong 2018 at nagkaroon sila ng anak na lalaki at anak na babae.
Ang kamakailang balita sa boksing ni Deontay Wilder
Sa kanyang kamakailang laban kay Robert Helenius, si Wilder ay lumabas sa tuktok matapos mapatumba ang kanyang kalaban. Si Deontay ay napatumba si Helenius sa ika-3 minuto sa unang round. Ang laban ay naganap sa Brooklyn’s Barclays center noong Oktubre 15,2022. Inilagay ni Deontay ang kanyang paa sa boksing ring pagkatapos ng isang taon matapos ang malaking talo kay Tyson Fury. Parehong boksingero ay lumaban sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, United States of America noong Oktubre 9,2021.
Ano ang susunod na laban para kay Deontay Wilder?
Ipinahayag kamakailan ni Deontay Wilder na sya na ay bukas na ahente ngayon. Kinokontrol nya ng buo ang kanyang karera. Sinabi pa niya na siya ay miyembro parin ng Premier Boxing Championship at bukas parin sa pakikipagtrabaho sa kahit na sino. Idinekalara din ni Deontay na wala siyang pakialam sa kahit na anong plataporma para sa pakikipaglaban bilang si Farvas na kanyang kinakalaban sa kanyang karera. Walang mga ulat tungkol sa mga iskedyul sa susunod na laban ni Deontay. Hanggang sa kanyang pag-aalala, siya ay siguradong pipili ng isang boksingero na may kalibre at kahusayan gaya ni Deontay.
Ang EsballPH ay ang pinakamahusay na laro ng slot online casino sa Pilipinas.
Pagkatapos mag-log in, maaari mong tangkilikin ang new member register free 100 ngayon.
Simula sa 2024, maaari kang makakuha ng 100 free bonus casino no deposit philippines.
Bilang karagdagan, mayroon kaming iba pang mga diskwento at mga hangganan na naghihintay para sa iyo na mag-claim kaagad.
You can also click to enter the Online Casino Bonus & free 200 promotion introduction, which provides more diverse casino bonuses.